Tuesday, August 20, 2013

‘Upside’ ‘Down’

Originally posted on August 16, 2013 on my wordpress blog.


While the 2012 French-Canadian romantic science fiction movie entitled ‘Upside down’ depicts twinned worlds – the ‘Up Top’, a wealthy and exploitative world and the ‘Down Below’, a poverty-stricken world- with gravities that pull in opposite directions, and while its story entails nothing but a big picture of making heaven and earth romance a quite literal way, the Philippine also has an ‘Upside’ ‘Down’ societies almost the same with that of the movie less its science fiction and the heaven-and-earth romance.
When I say ‘almost the same’, I do not only mean the movie descriptions of the twinned worlds per se. The Philippines ‘Upside’ ‘Down’ societies are worse than that. In the Philippine setting, not only it is for a wealthy and exploitative opportunist but worse, the ‘Up Top’, is also for corrupt and greed officials who live in rich and comfortable lives . Also, not only it represents the poverty-stricken situation but above all, in the Philippine background, the ‘Down Below’ also represents the underprivileged and abused masses who live in scarcity and misery.
In the Philippine timeline, graft and corruption, exploitation and capitalism, to cite a few, have long been become a culture. Millions to billions sum of money of different scams and scandals, questionable rechanneling and dealing of public funds have become the lifestyle of some of our ‘beloved’, ‘highly-favored’ and ‘blessed’ public servants. For almost every day, we hear reports  exposing the debauched acts- may it be graft, bribery or any form of corruption-of our political leaders.
If I were to trace back the history and enumerate all the drastic involvement of our political leaders in different kind of already-forgotten issues concerning not only  millions to billions worth of public funds as well as the election manipulations, extra-judicial killings, ect., back-to-back page of this magazine is not enough to consume them all. The most important episode of this story which truly enrages us all is that it, if not all, most of them have slipped away the judicial system.
It’s quite abvious that this and a lot more have contributing not in building the nation, but building their own self-interest. Of course, if they are after building their self-interest, extending their power and expanding their properties will follow. In short, it has become their business. It has become their culture. It has become their society-a society for superior, elite and powerful ‘Up Top’.
In the movie, the waste from the ‘Up Top’ directly pours down to the people ‘Down Below’. Likewise, in reality, the corruption, bribery and dishonesty have not just resulted to superiority and power among the ‘Up Top’ but also caused poverty and deprivation among the Filipino people ‘Down Below’. This correlation leads us to the second society- a society of the deprived, ill-treated poor people ‘Down Below’.
Poverty indicent in the Philippines remained an unending problem. According to the latestpoverty data released by the National Statistical Coodination Board (NSCB), the percentage of Filipinos living below the poverty line has remained almost unchanged in the past six years. 27.9 percent was the recorded poverty incidence in the Philippines for the first half of 2012, slightly less than the figure in 2006 which was 28.8 percent and 28.6 percent in the first half of 2009 and 2011. Interestingly, in 2007, a year in between 6 years, the Philippines was perceived as the most corrupt country in Asia by expatriate businessmen based on the annual corruption survey conducted by the Political and Economic Risk Consultancy replacing India in the spot.
Taking into consideration that the unemployment, illiteracy, crime rate, health problems,   are some of the dreadful results of poverty, the cliché “rich becomes richer while poor becomes poorer” will remain as it is.
Up Top people bent on making profit at the expense of the entire population of the people Down Below. For as long as they will continue to use their power in corruption, dishonesty and bribery, people from ‘Down Below’ will always be the exact opposite of them. For I believe that whatever doings from the top will always pour down below. The structure of relationship of these societies is that if things turn bad to the people down below, bad things also manifested from the people up top.
Seeing things like this in our country, the two societies really need to be changed. Change is constant but people’s disposition is also constantly developing, either developing for good or developing for worse.
Although making the Philippines a corrupt-free country is too idealistic and as hard as the heads of our political leaders, soon they would that it’s not as difficult as pocketing the public funds. Also, although getting the Filipino people out of poverty quite needs a long time, soon it would just surprise us that we are already out of it.
Just like at the end of the movie wherein the two worlds live both  wealthy and happy lives, I would be happy if one day I see Philippines completely the same with that of the movie. It would be a great feeling, no more greed and corrupt officials Up Top and no more deprived and poor people Down Below.

The Snatcher and the Prayer.

Originally posted on January 23, 2013 on my wordpress blog.


Naglabas ako ng sama ng loob sa Facebook pero hanggang galit lang dun, walang masyadong emosyon. DIto ko na lang ilalabas kung ano man yung nangyari sa akin last July 22, 2013 (Yesterday) around 10pm in an Internet Cafe in front of our school.
I was snatched. Ito kasi ‘yun:
Nagpa-print ako sa Mike’z Station (Internet Cafe) in front of our school para sa assignment namin at exam kinabukasan. I took out P100.00 bill and handed it down to the boy (nagbabantay ng cafe). I put my green wallet back to my bag. After getting the printed documents, I stepped out from the cafe and went near the gate of our school to wait for sikad, it was raining then. I was riding the sikad and almost reached the McDonald’s Bajada when I, after checking my bag, found out something was missing inside. Faster than the drops of the rain, we were already at the crime scene (CHOS!), seriously, sa internet cafe before I could even notice it. I asked the boy in-charge kung may naiwan na wallet, I took it to consideration na baka naiwan ko lang or nahulog. Pero wala daw eh. Sabi pa niya, someone got inside the cafe after I placed the wallet inside my bag.
I felt so helpless. I had just en-cashed the check worth P4,000 earlier that noon and and spent only a little of those amount. Amounting to P3,700 ang laman ng wallet with two ATMS, one of which is my scholarship ATM, voter’s ID and other imporatant docs. Nakisabay ako sa walang tigil na ulan nang mga oras na yun. Umiyak. Felt sad and terrible.
I haven’t even reported the incident to the police. My mind was mixed with uncontain emotions. Thoughts of everything just came across. Thought of where will I get money for my meals now? To whom should I run for help? It was as if I was in the near to death experience. I was consumed with fears and emptiness.
Fortunately, I had a friend whom I shared all those terrible stuff. I cried and asked for a little comfort from him.
Prior to the incident I scheduled myself to make my assignment and study my lesson at Mcdo (where most of us usually do). My plan went to nothing as nightmare came to my way. So, I didn’t take my dinner. I did not my assignment. I did not study. I just went home wet, cried again. I couldn’t sleep then. I was in 2 hours of deep thought. I read my bible. I prayed that maybe the whoever-suspect is really suffering from financial difficulties. And I surrendered everything to God. I said to myself, “Life still goes on.”

21st Century Cupids

Originally posted on February 8, 2013 on my wordpress blog.


Lampas alas dose ng madaling araw at pauwi na sana kami ng barkada ng mga oras na iyon ng may grupo ng mga taong pumukaw sa aking atensyon. Nagpaiwan ako at hindi ko na namalayang napangiti na pala ako bago ko pa sila makita ng malapitan. Wala si Kupido ng mga oras na iyon ngunit ramdam ko ang lakas ng panang tumagos sa aking puso. Hindi sila alagad ni Kupido ngunit taglay nila ang kakaibang pakiramdam kapag nakita mo sila ng malapitan. Magkagayunpaman, hayaan mo akong tawagin silang 21st Century Cupids.
Sa kanila ko lang kasi tuluyang naunawaan ang pagmamahal sa kapwa. Sa kanila ko naramdaman ang kakaibang pag-ibig. Sa kanila ko nalaman na pwede mo pa lang ibahagi sa iba ang pag-ibig na nakalaan na.
Hindi ko konkretong maipaliwanag ang bugso ng aking damdamin ng mga sandaling minamasdan ko sila. Batid ko lang ang pag-ibig. Ang kakaibang antas ng bilis at direksyon na nagmula sa kanila patungo sa pinakaubod ng aking puso. Dahil sa kanila, nabuhay ang matagal nang nakahimlay na pag-ibig sa aking puso. Doon ko namalayan na minamahal ko na pala ang aking sarili, ang aking pamilya, ang aking kaibigan at ang aking bayan.
Gusto kong umiyak. Gusto kong iparamdam sa kanila kung ano ang pinaramdam nila sa akin. Gusto ko silang yakapin. Gusto ko silang kausapin. Gusto ko silang tulungan. Gusto kong ibalik ang pagmamahal na idinulot nila sa akin.
Ayoko nang isturbuhin ang kanilang mahimbing na tulog kaya hindi ko na lang ginawa. Alam kong pagod na pagod sila sa buong araw nilang pangangalakal ng basura. Sapat na sa akin ang rason kung bakit nabaling ko sa kanila ang aking atensyon. Ang sandaling nakita ko ang kanilang hindi mapantayang ngiti; ang sandaling hinalikan ng ina ang kanyang anak bago niya patulugin, ang iba na nagiliwang kumanta kahit wala sa tono, ang iba na nauna nang matulog sa kanilang kariton gamit ang pinagtumpok-tumpok na diyaro, ang iba na nawili sa panunuod ng libreng pelikula mula sa pinalabas ng DVD vendor. Ngunit namumukot-tangi ang isang ama na hinalikan pagkatapos niyang punasan ang napulot niyang maliit na bibliya.
Nakapangingilabot sa pakiramdam na pwede pala tayong magkalat ng pag-ibig sa daan. At kapag kumalat ito, tatagos sa puso ng isa hanggang sa hindi na mapigilan. Hindi totoo si Kupido, pero kapag ikaw ang naging rason ng muling pagkabuhay ng pagmamahal sa isang tao, ang sarap tawaging kupido. Kaya nga hindi ako nagwalang-isip na tawagin silang 21st Century Cupids.

Bakit kailangan mong ma-in love kay God?

Originally posted on January 31, 2013 on my Wordpress Blog.
Marami na ang nasaktan dahil sa maling pag-ibig. Marami na ang umasa sa maling tao. Ang mas masakit? Minsan akala mo pag-ibig, yun pala ay hindi. Para kasing umiibig ka na walang umiibig sa’yo.
May mali kasi sa ganitong klaseng relasyn. May mali sa ganitong klaseng pag-ibig.
Akala mo kasi mature ka na kaya ka padalos-dalos ka sa mga desisyon mo. Akala mo kasi siya na kaya ka napa-Oo. Akala mo kasi sapat na yung kilig na binibigay ng girlffriend/boyfriend mo. Akala mo kasi nasa tamang edad ka na kaya kung sinu-sino kinakasama mo. Pero kapag nakilala mo Siya, isang malaking sampal sa iyo ang lahat nang ginawa mo.
Si God ang tinutukoy ko. Siya ang kulang sa isang relasyon kaya hindi ito nagtatagal. Nadadala ka kasi sa mga salita nang bf/gf mo kaya unti-unti mo Siyang nakakalimutan.
Kung nasasaktan ka sa break up na pinagdaanan mo, mas nasasaktan si God. Siya kas iyung Father mo. At hindi gustong makita nang isang Ama na nasasaktan ang kanyang anak.
Baka sabihin mong, ‘bakit hindi Niya ako prinotektahan? Bakit hinayaan Niya akong masaktan?”
Kaya ka nasasaktan kasi ikaw din naman ang lumalayo sa Kanya. Hinayaan mong mangyari ang lahat nang yun na pwede pa naman sanang maagapan kung lumapit ka lang sana sa Kanya.
Pero hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka pa ring bumangon. Pwede ka pa ring umibig muli. Sa pagkakataong ito, alam mo na kung saan ka nagkulang. Alam mo na ang tamang gagawin.
Before ka ma-inlove sa ibang tao, ma-inlove ka muna kay God. At kapag natutunan mong ma-inlove sa Kanya, darating yung taong inilaan ni God para sa’yo. Siya yung taong ‘in love’ din kay God. Ang sarap nang ganito no? Tipong mahal mo si God bago mo pa man siya minahal. At mahal niyo si God higit pa sa pagmamahal niyo sa isa’t isa.

Para sa mga single

Originally posted on January 31, 2013 on my Wordpress Blog.

Minsan ko nang narinig ang nakakainsultong salita nang mga taken na wagas daw magbigay nang payo ang mga single eh wala namang love life. Walang experience. Kaya minsan hindi pinaniniwalaan ang mga payo. Dedma kumbaga.
Madalas kung sino pa yung nagdededma nang payo ng nga single, sila pa yung taken na hindi nagtatagal ang relasyon. Gusto kasi nila nang madalian. Nandiyan kasi ang taong magte-text sa kanila na sabay na silang kakain. Sabay silang mamasyal. May maghahatid sa kanya. May magsusundo. May mag-aalaga sa kanya kung magkakasakit siya. Nandiyan palagi. Nandiyan ang kilig. Ito ang masarap sa relationship. Pero kapag dumating ang puntong wala nang kasabay kumain. Wala nang sasabay mamasyal. Wala nang maghahatid. Wala nang magsusundo. Wala nang mag-aalaga. Ang nakakatakot kapag dumating ang puntong wala nang kilig. Sabog ang relasyon. Wasak ang puso. Tapos iiyak. Maghihinayang. Tapos dito na tatagos ang payo.
Ito naman kasi ang karaniwang experience nang mga taong brokenhearted. Kung kelan sira na ang relationship doon pa siya pupukawin nang kanyang konsensya. Na sana sinunod na lang niya ang payo. Minsan pa, ipagyayabang niya na single siya ulit. Tapos doon niya ma-realize kung gaano kaimportante ang payong binibigay nang mga single.
Kaya nga hanga ako sa ma single eh. Hanga ako sa malawak na pag-unawa nila sa totoong pag-ibig. Hanga ako sa level ng kanilang paghihintay sa taong ‘meant to be’ nila.
Ito rin naman kasi ang rason kung bakit kakaiba sila magpayo eh. Wala nga silang experience sa pagkakaroon nang boyfriend/girlfriend pero yung experience na hintayin yung taong para talaga sa kanila ay hindi biro. Kasi kung gaano katagal dumating si Mr/Ms. Right, yun din katagal nilang inunawa ang pag-ibig. Naniniwala kasi ang mga single na kung gaano katagal dumating yung taong para sa kanila, ganun din kasarap ang magiging love story nila. Hindi biro ang maghintay pero kapag dumating na yung hinihintay nila, ipagpasalamat nilang naghintay sila.

Ang dali kayang magsabi nang B.A.B.A.Y

Originally posted on January 29, 2013 on my Wordpress Blog. Ito ay naisulat dahil sa kanta ni Yeng Constantino, Flipino singer/composer, na may titulong 'Babay'


Alam mo kung ano ang masakit sa pag-ibig? Yun yung basta ka na lang iwan nang walang paalam. Minsan nakakalokong isipin na may dalawa pa lang klaseng paalam.
Una, yung iwan ka na lang talaga. Kapag hindi ka na niya mahal, aalis na lang siya bigla. Walang paalam. Ni wala man lang nangyaring pag-uusap sa inyong dalawa. At ang masaklap pa, nasugatan ka na, nakita mo pang may bagong kasamang iba.
Ikalawa ay yung taong parang the body is present but the heart is absent. Kausap at kasama mo yung katawan niya pero hindi mo naman kausap at kasama yung puso niya. Yung puso niya ay nauna na pa lang magpaalam. Minsan kasama mo siya pero yung puso niya ay may kasama nang iba. Naawa lang siya sa’yo kaya hindi ka niya magawang iwan. Mas mahirap ang ganito kasi minamahal mo yung taong akala mo minamahal ka.
Bakit kasi may mga taong hindi kayang sabihin na hindi ka na niya mahal? Eh ang dali namang sabihing BABAY O PAALAM. Your communication is just a text a away lang naman. Kasi kapag walang mangyayaring paalam,nagiging tanga yung tao.
Mabuti pa itong kanta.

Sa Aking Mga Kababata

Originall posted on January 8, 2013 on my Wordpress blog.


Kapag ka ang puso’y sadyang umiibig
Sa nausong laro tulad ng ‘lupa at langit’
Kakaibang kalayaan, ating nasasapit
Kaluluwa nati’y tila nasa himpapawid.
Pagkat ang katawa’y nasa lansangan,
tumba-lata, piko, taguan-pung ang nilalaro lang naman
Lahat ng manlalaro, ating katulad, kabagay
nang ano mang likhang laro noong kabataan.
Ang hindi magmahal sa kanyang nilaro nung bata
Mahigit sa walang hiya mong kapitbahay at traydor mong syota
Kaya marapat pagyamaning nating kusa
Tulad nitong mga laro, tayo’y pinagpala.
Ang larong ito tulad din sa akin,
Sa iyo, sa inyo, sa ating lahat din.
Sapagkat ang manlalarong maalam tumingin
Binabalik-tanaw lahat ng nilaro natin.
Ang mga laro natin, walang kapareha
Na may sariling tuwa, at dalang ginhawa
Na kaya’y nawala dinatnan ng teknolohiya
Ang dating nilalaro ngayo’y naging Ipad, iphone at PSP na.

Panahong Hindi Ako Inspired Magsulat

Kasalukuyang naghahanap ng inspirasyon. Tipong magiging dahilan ng pagiging masipag na blogger. Na Bawat oras may new blog post. Bawat post may new idea. Bawat idea may new inspiration. Bawat inspiration may new taste. Bawat taste may new lesson.
Iba kasi ang nagagawa ng isang inspired na blogger. Masipag mag-isip. Masipag magmuni-muni. Bawat oras dinadalaw ng mga ideya. Kaya niyang lumikha ng bagong ideya mula sadating ideya. Magiging isa, dalawa, hanggang dumami na sila. Gagamitin ang mga bagong supling na ideya hanggang makalikha ulit ng mga bagong ideya.
Astig sana kung ganito ako kasipag. Hindi nauubusan ng inspirasyon. Hindi nauubusan ng ideya. Pero mukhang mahirap ata. Mahirap lalo na kapag walang inspirasyon. Kapag walang inspirasyon, walang ideya. Kapag walang ideya e di wala talaga. Mahirap gumawa ng post na walang pinanghuhugutan. Hindi naman kasi basta-basta napupulot sa hangin ang inspirasyon. Hindi naman din kasi basta-basta dumadalaw ang ideya. Tulad ng post na ito. Naghahanap lang ako ng inspirasyon pero kung anu-ano na ang nakalagay dito. Naintindihan mo ba ang binabasa mo? Naintindihan mo ba ako? Naintindihan mo ba kung ano ang inspirasyon? E ang ideya?
Wala ka rin bang inspirasyon? ng ideya? Naghahanap ka rin ba tulad ko? E di samahan mo na lang ako. Sabay na lang tayo. Baka ikaw pa ang magiging inspirasyon ko. At ako ang magiging inspirasyon mo.

Need Part-Time Job?

Sa wakas may part-time job na ako. Masaklap na trabaho nga lang. Huli ko nang namalayan na part time job na pala yung ginagawa ko. At tiyak akong hindi yun napansin ng mga kasamahan ko kanina. Walang sweldo yung par time job ko pero pera ang hinahawakan ko. Totoo, maniwala ka.
Ganito kasi yun. Nag-abang ako ng jeep kanina pauwi. Tiyempong medyo puno ang jeep. Kasya pa naman daw sabi ni Manong Driver. Ayun, sumakay ako. Gusto ko sanang sa hulihan ng jeep pumwesto kaso nagsiurungan silang lahat. (Tawagin na lang natin silang urong girls at urong boys.) Wala akong choice kundi umupo sa likuran ni Manong Driver. Dito nagsimula ang lahat.
Hint mo na yung second paragraph kung anong part time job ang tinutukoy ko. A simple and responsible citizen of the country turned into Dakilang Tagaabot ng bayad. Nakakainis lungs kasi kung hindi sana nagsiurungan ang lahat, sa hulihan sana ako ng jeep nakaupo at hindi sana ako ang tagaabot ng bayad. Mga walang konsensya!
Pakiabot sa bayad’. Ayun, nag-umpisa ng nagpaabot ng bayad ang isang college student. At sumunod na ang ilan hanggang sa dumami na sila. Ang sarap sanang hindi iabot yung bayad at sabihing ‘Wala ka bang kamay? Paki ko sa bayad mo’ kaso kailangang maging isang mabubuting mamayan ng sanlibutan para magkaroon ng world peace.( Chos!) Wala naman talaga akong choice kundi iabot na lang ang mga bayad nina urong girls at urong boys.
Gusto ko sanang gumanti sa kanila sa pag-aalipustang ginawa nila sa akin. (insert crying emtoticon here) Ang sarap sanang ibulsa yung mga sukli nila kaso walang ibang magiging suspect kundi ako. Tsk. Tsk. As in, gusto ko talagang gumanti.
Isa-isang nagsibabaan ang mga pasahero. Napaisip tuloy ako na baka makakaganti na ako sa wakas. Baka may sasakay na ibang pasahero. Syempre uurong ako sa hulihan. Hindi ko muna iaabot sa driver yung bayad ko. Kapag medyo marami-rami na ang pasahero, dun ko na iaabot ang bayad. Kaso sadyang mailap ang tadhana. Dumating na lang ako sa aking destinasyon ni wala man lang sumakay na ibang pasahero. Wala kahit ni isa. Wasak angplano! Hindi ko na tuloy na-put into application. Hindi ko man lang napamana sa iba ang pagiging Dakilang Tagaabot ng bayad. Amp!
Kaya kung ako sa inyo, kapag sasakay kayo ng jeep, siguraduhing pumwesto sa likuran. Kung medyo puno ang jeep, huwag pumara. Hintaying dumaan ang medyo walang laman na jeep. Huwag gumaya sa akin na lumusong sa isang mapait na karanasan. Huwag niyo nang hintaying maging isang Dakilang Tagaabot ng bayad. Baka makakagawa rin kayo ng katulad ng post na ito. Baka dumami pa tayo.

Bad Trip Reliever

Mga simpleng payo para matanggap ang bad trip:
Kung kaibigan o mapalit sa buhay mo ang rason kung bakit bad trip ka ngayon, hayaan mo na lang. Total kaibigan at mahal sa buhay mo naman sila. Wala ring magandang idudulot kung sisihin mo sila. Isipin mo na lang na sa bawat bad trip na binibigay nila, hindi matutumbasan ang samahan niyo. Huwag mong hayaang na ang paninisi lang ang makakasira nito.
Kung ibang tao ang nakagawa nito sa’yo, hayaan mo na lang din. Hindi mo sila kilala. Hindi ka rin nila kilala. Tulad mo, tao rin sila; minsan nagkakamali, hindi perpekto. Mag-move on ka na lang. Huwag mo silang sisihin o sumbatan. Hindi naman maibabalik ng paninisi ang isang pangyayari.
Kung isang bagay ang rason, hayaan mo na lang din ulit. Hello? Bagay kaya yun. Baka kung sisihin mo dito ang nangyari sa’yo, magiging bagay ka rin. Baka ikaw pa ang magsisi sa huli.
Kung sarli mo naman ang rason, huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo. Huwag kang magalit sa sarili mo. Huwag kang mag-drama. Mas lalong huwag mong kakausapin ang sarili mo. Baka may makakita at kung anu-ano pa’ng sabihin sa’yo.
Kung bad trip ka, piliton mong mag-smile. Pilitin mo ang sarili mo. May pagkakataon na nadadala ang lahat sa pagsa-smile. At kung bad trip ka ngayon, hintayin mo ang bukas. Tandaan mong hindi sa lahat ng araw nababad-trip ang tao. Malay mo bukas, ang mga kaibigan, mahal mo sa buhay, ibang tao at bagay na yun ang magiging rason din ng pagngiti mo.

Para kay Superman

Kunwari totoo si Superman. Tapos, nakaharap mo siya at inalok ka niyang maging kapalit niya. Papayag ka ba?
Mahirap maging si Superman. Pero kung bibigyan ng pagkakataong maging siya, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ito. Minsan ko nang inisip na ako si Superman; na ako ang tagapangtanggol ng mga naaapi. Ako ang tagapagligtas sa mga sanggol sa tuwing may sunog. Ako ang sumasalo sa mga nagpapakamatay mula sa mataas na gusali. Ako ang knight-in-a-shining-armor ng mga babaeng naho-hostage. Ako ang bantay ng sanlibutan. At dahil ako si Superman, nagsusuot ako ng kapa at brief na nasa labas; lumilipad, mas malakas, mabilis, at maabilidad. Hindi tinatablan ng bala. Kilala ako hindi bilang ordinaryong tao kundi bilang isang superhero.

Ito ang siklo ng buhay ni Superman. Perpekto na sana ngunit malayo sa katotohanan. Lumaki ako sa ganitong konsepto ng buhay. Ang mangarap ng isang bagay na kailanman ay hindi magkakatotoo. Sadyang malungkot isipin na may mga bagay talaga na hanggang sa pangarap na lang. Katulad ng buhay ni Superman, napakahirap tanggapin na hindi ito ang buhay na nakatadhana sa iyo. Makakatulong sana ako kung ako si Superman. Ngunit katulad din ng ibang superhero, hindi siya totoo.
Hindi ako pwedeng maging si Superman. Hindi dahil sa hindi ko gusto. Maliban sa hindi siya totoo, may mga bagay na sadyang hadlang sa pagiging katulad niya. Unang-una, hindi ako kasing-kisig, kasing-tangkad, at kasing-gwapo niya. Pangalawa, baka maging bago sa mata ng nakararami ang pagsuot ng brief na nasa labas. Nakakahiya. Ayoko. Pangatlo, medyo tanga akong tao. Baka sa paglipad ko, masabit ako sa mga kable ng kuryente. Imbes na maging si Superman ay maging si Thor o di naman kaya ay si Volta. Huwag na lang.
Maraming masasamang tao sa Pilipinas. Kung superhero lang naman ang pag-uusapan, magiging kawawa si Superman. Hindi niya kakayanin ang mga taong rapist, holdaper, magnanakaw, mamamatay-tao, drug pusher, at drug addict. Mahihirapan din siyang hulihin ang mga naglilipanang gang sa bansa tulad ng Salisi Gang, Akyat-Bahay Gang, True Brown Style 13 Gang, Bahala na Gang (Come What May), at Sigue Sigue Gang. At dahil lahat ng masasamang tao ay kalaban ni Superman, hindi biro ang makipaglaban at makipagtalo sa taong may ugaling amalayer, makasarili, kurakot , sinungaling, at tamad.
Hindi biro ang maging superhero. Hindi biro ang maging si Superman. Marahil isa ito sa mga rason ng Dios kung bakit ginawa tayong mga ordinaryong tao- simple at walang kapangyarihan. Mahirap tanggapin ngunit mas mahirap ang umasa. Hindi natin kailangang lumipad para tawaging superhero. Hindi natin kailangan ng superpower upang makatulong sa kapwa. Marahil hindi natin napapansin na sa simpleng tulong na inaabot natin sa kapwa ay superhero na ang turing ng mga taong natulungan natin. Ang totoong superhero ay hindi nasusukat sa superpower. Ang totoong superhero ay nasusukat sa pagiging totoong tao sa kanyang sarili at kapwa. Hindi man ako superhero, hindi man ako si Superman ngunit alam kong ako ay superhero sa paraang alam ko. Superhero ako sa aking mga magulang. Superhero ako sa aking kaibigan. Superhero ako ng bansang Pilipinas.