Sa wakas may part-time job na ako. Masaklap na trabaho nga lang. Huli ko nang namalayan na part time job na pala yung ginagawa ko. At tiyak akong hindi yun napansin ng mga kasamahan ko kanina. Walang sweldo yung par time job ko pero pera ang hinahawakan ko. Totoo, maniwala ka.
Ganito kasi yun. Nag-abang ako ng jeep kanina pauwi. Tiyempong medyo puno ang jeep. Kasya pa naman daw sabi ni Manong Driver. Ayun, sumakay ako. Gusto ko sanang sa hulihan ng jeep pumwesto kaso nagsiurungan silang lahat. (Tawagin na lang natin silang urong girls at urong boys.) Wala akong choice kundi umupo sa likuran ni Manong Driver. Dito nagsimula ang lahat.
Hint mo na yung second paragraph kung anong part time job ang tinutukoy ko. A simple and responsible citizen of the country turned into Dakilang Tagaabot ng bayad. Nakakainis lungs kasi kung hindi sana nagsiurungan ang lahat, sa hulihan sana ako ng jeep nakaupo at hindi sana ako ang tagaabot ng bayad. Mga walang konsensya!
Pakiabot sa bayad’. Ayun, nag-umpisa ng nagpaabot ng bayad ang isang college student. At sumunod na ang ilan hanggang sa dumami na sila. Ang sarap sanang hindi iabot yung bayad at sabihing ‘Wala ka bang kamay? Paki ko sa bayad mo’ kaso kailangang maging isang mabubuting mamayan ng sanlibutan para magkaroon ng world peace.( Chos!) Wala naman talaga akong choice kundi iabot na lang ang mga bayad nina urong girls at urong boys.
Gusto ko sanang gumanti sa kanila sa pag-aalipustang ginawa nila sa akin. (insert crying emtoticon here) Ang sarap sanang ibulsa yung mga sukli nila kaso walang ibang magiging suspect kundi ako. Tsk. Tsk. As in, gusto ko talagang gumanti.
Isa-isang nagsibabaan ang mga pasahero. Napaisip tuloy ako na baka makakaganti na ako sa wakas. Baka may sasakay na ibang pasahero. Syempre uurong ako sa hulihan. Hindi ko muna iaabot sa driver yung bayad ko. Kapag medyo marami-rami na ang pasahero, dun ko na iaabot ang bayad. Kaso sadyang mailap ang tadhana. Dumating na lang ako sa aking destinasyon ni wala man lang sumakay na ibang pasahero. Wala kahit ni isa. Wasak angplano! Hindi ko na tuloy na-put into application. Hindi ko man lang napamana sa iba ang pagiging Dakilang Tagaabot ng bayad. Amp!
Kaya kung ako sa inyo, kapag sasakay kayo ng jeep, siguraduhing pumwesto sa likuran. Kung medyo puno ang jeep, huwag pumara. Hintaying dumaan ang medyo walang laman na jeep. Huwag gumaya sa akin na lumusong sa isang mapait na karanasan. Huwag niyo nang hintaying maging isang Dakilang Tagaabot ng bayad. Baka makakagawa rin kayo ng katulad ng post na ito. Baka dumami pa tayo.
No comments:
Post a Comment