Kasalukuyang naghahanap ng inspirasyon. Tipong magiging dahilan ng pagiging masipag na blogger. Na Bawat oras may new blog post. Bawat post may new idea. Bawat idea may new inspiration. Bawat inspiration may new taste. Bawat taste may new lesson.
Iba kasi ang nagagawa ng isang inspired na blogger. Masipag mag-isip. Masipag magmuni-muni. Bawat oras dinadalaw ng mga ideya. Kaya niyang lumikha ng bagong ideya mula sadating ideya. Magiging isa, dalawa, hanggang dumami na sila. Gagamitin ang mga bagong supling na ideya hanggang makalikha ulit ng mga bagong ideya.
Astig sana kung ganito ako kasipag. Hindi nauubusan ng inspirasyon. Hindi nauubusan ng ideya. Pero mukhang mahirap ata. Mahirap lalo na kapag walang inspirasyon. Kapag walang inspirasyon, walang ideya. Kapag walang ideya e di wala talaga. Mahirap gumawa ng post na walang pinanghuhugutan. Hindi naman kasi basta-basta napupulot sa hangin ang inspirasyon. Hindi naman din kasi basta-basta dumadalaw ang ideya. Tulad ng post na ito. Naghahanap lang ako ng inspirasyon pero kung anu-ano na ang nakalagay dito. Naintindihan mo ba ang binabasa mo? Naintindihan mo ba ako? Naintindihan mo ba kung ano ang inspirasyon? E ang ideya?
Wala ka rin bang inspirasyon? ng ideya? Naghahanap ka rin ba tulad ko? E di samahan mo na lang ako. Sabay na lang tayo. Baka ikaw pa ang magiging inspirasyon ko. At ako ang magiging inspirasyon mo.
No comments:
Post a Comment